^

Probinsiya

7 'Acetylene Gang' timbog

-

DAGUPAN CITY—Pitong kalalakihan na pinanini­walaang miyembro ng Acetylene Gang na bumibiktima ng mga bahay-sanglaan sa Pangasinan, La Union, Tar­lac, Nueva Ecija at Baguio City ang naaresto ng pulisya noong Lunes ng hapon sa Dagupan City, Pangasinan. Kinilala ni P/Supt. Mariano Luis Verzosa Jr., hepe ng Dagupan City PNP, ang mga suspek na sina Rodolfo Laguipin ng Santiago City, Isabela; Roel Kadangan ng La Trinidad, Benguet; Rocky Damapa ng La Trinidad, Benguet; Ricky Alangsab ng Baguio City; Joseph Retuya ng Calasiao, Pangasinan; John Abad ng Taguig City; at si Alipio Buteng ng La Trinidad, Benguet. Base sa police report, ang mga suspek na lulan ng dalawang sasakyan na may plakang PSA 497 ay naispatan sa parking area ng mall kung saan naunang umiwas sa PNP checkpoint sa bayan ng San Fabian. Nasamsam sa mga suspek ang anim na baril at dalawang Granada. Cezar Ramirez

ACETYLENE GANG

ALIPIO BUTENG

BAGUIO CITY

BENGUET

CEZAR RAMIREZ

CITY

DAGUPAN CITY

JOHN ABAD

JOSEPH RETUYA

LA TRINIDAD

PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with