^

Probinsiya

Jeepney hulog sa bangin: 7 patay

-

TAGAYTAY CITY, Cavite - Pito-katao ang iniulat na humabol pa ng Undas ha­bang 15 iba pa ang malub­hang nasugatan makaraang mahulog sa malalim na bangin ang pampasaherong jeepney sa bahagi ng Ta­gaytay City, Cavite kahapon ng hapon.

Kabilang sa mga bikti­mang namatay ay sina  Fidel Tizon, Christopher Tizon, Rosita Dimayuga, Eufronicia Malabanan, Imelda Tizon, Margarita Llave, at si Ge­ral­do Dimayuga, samanta­lang aabot naman sa15-katao kabilang na ang li­mang bata ang nasugatan na ginaga­mot ngayon sa Ospital ng Tagaytay.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. William Segun, hepe ngTagaytay City PNP, na­ita­la ang sakuna dakong ala-1:45 ng hapon sa ma­tarik na kalsadang sinasa­bing pinu­ pugaran ng eng­kanto.

Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol at bumigay ang preno ng jeepney na mina­maneho ni Bonifacio Ortilla kaya dumausdos at nagtu­luy-tuloy na bumulusok sa may 300 metrong lalim na bangin sakop ng Sitio Labac sa Barangay Sungay sa nabanggit na lungsod.

Napag-alamang marami ang pasahero ang lulan ng jeepney at habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy ang search and rescue operation ng pulisya at mga kagawad ng Bureau of Fire Protection. (Dagdag ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY SUNGAY

BONIFACIO ORTILLA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHRISTOPHER TIZON

EUFRONICIA MALABANAN

FIDEL TIZON

IMELDA TIZON

JOY CANTOS

MARGARITA LLAVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with