^

Probinsiya

Abogado ng KMU dinakip

-

Inaresto ng mga ope­ratiba ng pulisya ang abo­gado ng maka-Kaliwang grupong Kilusang Mayo Uno sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi.

Kinumpirma kahapon ni Region 4A Police Director Chief Supt. Ricardo Padilla ang pagkakadakip kay  Atty. Remegio Saladero Jr. sa tahanan nito sa nasa­bing lungsod.

Sinabi ni Padilla na si Saladero ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kinakaharap nitong kasong multiple murder at frustrated murder sa Occidental Mindoro Regional Trial Court.

Iginiit ni Padilla na pina­iiral lamang nila ang batas sa pagdakip laban kay Saladero at hindi ito perso­nal tulad ng mga akusas­yon ng naturang militan­teng grupo.

Kasabay nito, sumugod sa Camp Vicente Lim sa Laguna ang mga miyembro ng KMU at iba pang mili­tante upang kwestyunin ang pag-aresto sa kanilang abogado. (Joy Cantos)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

CAMP VICENTE LIM

IGINIIT

JOY CANTOS

KILUSANG MAYO UNO

OCCIDENTAL MINDORO REGIONAL TRIAL COURT

PADILLA

POLICE DIRECTOR CHIEF SUPT

REMEGIO SALADERO JR.

RICARDO PADILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with