^

Probinsiya

3 holdaper todas sa pakikipagbarilan

-

Camp Vicente Lim, Laguna – Nagwakas na ang kasamaan ng tatlong hinihi­nalang holdaper ma­tapos silang mapatay sa pakiki­pag­barilan sa mga pulis sa Sta. Rosa City, Laguna kahapon ng mada­ling-araw.

Kinilala ni Superintendent Primitivo Tabujara, Police Re­gional Intelligence Division chief, ang dalawa sa tatlong suspek na napa­ tay sa pa­ma­ma­gitan ng identification cards na nakuha sa kanilang mga bulsa na sina Roman Du­tosme at Leo­degario Per­mejo, pawang residente ng Area Gate 3 Parola, Tondo samantalang nananatiling unidentified pa rin ang pa­ngatlong suspek.

Ayon sa report, armado ng calibre 38 baril, hinoldap umano ng mga suspek ang isang sangay ng Flying V Gas Station sa Barangay Balibago at tinangay ang hindi pa malamang halaga ng pera bandang alas-3:30 ng madaling-araw at tu­makas sakay ng isang tricycle.

Matapos ang holdap, mabilis namang ipinaalam ng mga empleyado ng Flying V ang nangyari sa him­pilan ng pulisya na nagbun­sod para magsa­gawa ng hot pursuit at dragnet operation ang mga tauhan ng Region 4 Intelligence Group at Sta. Rosa police laban sa mga sus­pek

Makaraan ang isang oras, namataan ng mga awtoridad ang mga suspek sa may Mariquita Subdivision sakop ng Barangay Dita na sa halip na huminto ay nakipagba­rilan pa sila sa mga pulis na naging da­hilan ng kanilang kama­tayan.

Narekober mula sa mga suspek ang tatlong pira­song caliber 38 pistol, sa­lapi na hindi pa malaman ang ha­laga habang isinu­su­lat ito at ang ginamit na tricycle.

Ang bangkay ng mga suspek ay positibong ki­nilala ng mga empleyado ng Flying V.

vuukle comment

AREA GATE

BARANGAY BALIBAGO

BARANGAY DITA

CAMP VICENTE LIM

FLYING V

FLYING V GAS STATION

INTELLIGENCE DIVISION

INTELLIGENCE GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with