^

Probinsiya

Pekeng alahas buking

-

ANGAT, Bulacan – Inaresto kamakalawa ng pulisya si Yolanda Domingo, 25, ng Tondo, Manila makaraang magtangka siyang mag­sangla ng mga pekeng alahas na ginto kay Maricar Ambas, 27, may-ari ng KP Pawnshop sa Barangay Sta. Cruz sa bayang ito. Aabot sana sa daang-libong piso ang mawawala kay Ambas kung hindi niya agad natuklasan na peke ang mga alahas na isinasangla ng suspek.  (Boy Cruz)

Parke pinasok ng illegal loggers

BALER, Aurora – Muli umanong kumikilos ang mga illegal loggers na armado pa umano ng malalakas na kalibre ng baril sa loob pa ng pinoprotektahang 5,676 ektaryang Aurora Memorial National Park.

Ayon sa isang provincial board member, talamak ang pamumutol ng kahoy sa loob ng parke at ipinupuslit ang libu-libong board feet ng kahoy tuwing gabi.

Sinabi ni Board Member Mariano Tangson sa kanilang regular session ng Sangguniang Panlalawigan na ang ang mga illegal loggers na ito ay nakapasok na sa national park na hindi man lang naamoy ng Philippine National Police dito at ng Department of Environment and Natural Resources. (Christian Ryan Sta. Ana)

Rape suspek timbog

BANGUED, Abra – Na­da­kip kahapon ng pulisya si Arnold Batallones, 27, na suspek sa panggagahasa sa isang bata sa Barangay Bang­bangar sa ba­yang ito. Si Ba­tallones ay na­katala bilang Num­ber 10th top most wanted person sa Bangued. Ang kan­yang pagkakaaresto ay bunga ng warrant of arrest na pina­labas ni Judge Corpuz Alzate. (Myds Supnad)

ARNOLD BATALLONES

AURORA MEMORIAL NATIONAL PARK

BARANGAY BANG

BARANGAY STA

BOARD MEMBER MARIANO TANGSON

BOY CRUZ

CHRISTIAN RYAN STA

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

JUDGE CORPUZ ALZATE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with