Lolang sexy ni-rape ng apo
Sa pag-aakalang ang seksing actress na si Marian Rivera, ginahasa ng isang binata ang sarili nitong 60-anyos na lola sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Binalay, Tinambac, Camarines Sur, ayon sa ulat kahapon.
Pormal naman kinasuhan ng pulisya ang suspek na itinago sa pangalang Robert kung saan inireklamo ng matanda na nagpatago naman sa pangalang Lola Lourdes.
Batay sa salaysay ng matanda sa pulisya na nakarating sa Camp Crame, naitala ang unang panghahalay laban sa biktima noong Mayo 12 ng gabi kung saan pinasok ang kuwarto ng matanda.
Matapos ang insidente ay maraming pagkakataon na pinagtangkaang halayin ang matanda ng bastos na apo kaya masakit man sa kaniya ay napilitan na siyang magreklamo sa himpilan ng pulisya.
Sa presinto, inamin ng suspek ang panghahalay sa kaniyang sariling lola sa katwirang lasing siya noon at ang tingin niya sa matanda ay ang nasabing aktres.
- Latest
- Trending