2 arestado sa 3,600 valium
Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang nagpapakalat ng iligal na droga ang inaresto ng mga awtoridad makaraang makumpiskahan ng 3, 600 tabletang (valium) diazepam sa university belt ng Angeles City, Pampanga, ayon sa ulat kahapon.
Iprinisinta kahapon ni Director General Dionisio Santiago Jr. ng Phil Drug Enforcement Agency (PDEA), ang mga suspek na sina John Raymund Lingat, 25, ng Lourdes Heights Subd., Del Rosario, San Fernando City, Pampanga at Terrence Dionisio, 20, ng San Fernando Subd., San Fernando City.
Sa interogasyon, inamin ng mga suspek na nagmula sa Pakistan ang nakumpiskang iligal na droga na nagiging kapalit na ngayon ng pinatuyong dahon ng marijuana dahil sa halos may parehong epekto rin at mas murang nabibili sa P13 kada tableta.
Kinumpirma rin ni Santiago na may sangkot na internasyunal na sindikato ang pagpapakalat ng valium sa bansa na madaling ilusot kaysa sa mas kilalang droga tulad ng cocaine at heroin. Danilo Garcia
- Latest
- Trending