3 mag-uutol nagpatayan
LEGAZPI CITY – Pinaniniwalaang agawan sa minanang lupain ang isa sa ugat kaya pinaslang ang mag-utol na magsasaka ng sariling kapatid at pamangking lalaki sa Zone 7, Barangay Sogod sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur kamakalawa.
Nakilala ang mga napaslang na sina Ronnie San Juan, 45 at Renato San Juan, 48, habang tugis naman ang mga suspek na sina Romeo San Juan, 58; at Erwin San Juan, 27.
Base sa police report, naganap ang krimen sa bakuran ng bahay ng mag-utol kung saan itinaong nag-iinuman ng alak ang dalawang biktima saka pinagtulungang saksakin at hatawin ng baseball bat.
Napag-alamang pinag-awayan ng mag-uutol ang lupaing minana mula sa kanilang mga magulang. (Ed Casulla)
- Latest
- Trending