^

Probinsiya

5 pang preso sa jailbreak, tugis

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Limang preso na lang ang nananatiling ti­nutugis ng pulisya maka­raang magka­kasunod na sumuko ang apat na pu­gan­te noong Sabado at kahapon.

Ayon kay P/Senior Supt. Manolito Labador, Laguna police director, sa labing-anim na pugante, pito ka­agad ang sumuko matapos ang ilang oras na pagta­tago at siyam ang tanging tinutugis ng mga awtoridad noong Oktubre 1.

Nag-alok din ang Bureau of Jail Management and Penology at ang lokal na pamahalaan ng Biñan nang halagang P180,000 pabuya para sa ikadarakip ng siyam na pugante.

Subalit bago makakuha ng pabuya, boluntaryo nang sumuko si John Lizardo ng Biñan, Laguna kay councilor Arcega noong Sa­bado.

Sinundan ni Edwin De Vega ng Brgy. Mamplasan ang pagsuko sa kanilang barangay chairman.

Kahapon, sumuko na­man si Reymundo Salde ng Brgy. Lumil, Silang, Cavite matapos makum­binsi ng kanyang mga ma­gulang at ni Barangay Captain Florencio Baysantos.

Samantala, si Junar Emeterio ng Calamba City ay sumuko naman kaha­pon ng umaga kay P/Supt. Conrado Masongsong ng Regional Special Operations Group.

Sa tala ng pulis-Biñan, limang preso na lang ang pinaghahanap kabilang sina Angelo Estrella, Adol­fo Tanael, Jhonil Otbo, Ed­win Osis at Rudy Pag­kali­wangan. (Arnell Ozaeta)

ANGELO ESTRELLA

ARNELL OZAETA

BARANGAY CAPTAIN FLORENCIO BAYSANTOS

BRGY

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CALAMBA CITY

CONRADO MASONGSONG

EDWIN DE VEGA

JHONIL OTBO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with