Ex-Marines dedo sa pulisya
Camp Vicente Lim, Laguna – Kinalawit ni kamatayan ang isang retiradong sundalo matapos makipagbarilan sa mga pulis ng Pagsanjan, Laguna dahil umano sa illegal logging kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Senior Superintendent Manolito Labador, Laguna police director, ang napatay na si Alfonso Balete, dating miyembro ng Philippine Marines.
Ayon sa report, nagsagawa ng operasyon ang apat na pulis-Pagsanjan na sina PO2 Giovanni Mamore, PO1 Chris Vergara, PO1 Sherwin Abadier at PO1 Romeo Encanado sa Barangay Pinagsangahan at nakahuli ng tatlong illegal loggers.
Nang, papaalis na ang mga pulis sa lugar, bigla na lang silang hinarang ni Balete at sapilitang inaarbor ang tatlong illegal loggers hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo at humantong na sa barilan. (Arnell Ozaeta)
- Latest
- Trending