^

Probinsiya

P10,000 pabuya kada pugante

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Nag-alok ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng sam­pung libong pabuya kada pugante sa sinu­mang ma­kakapagbigay ng impor­masyon laban sa siyam na pugante na pu­muga sa Biñan municipal detention center noong Miyerkules ng madaling-araw.

Ayon kay P/Supt. Ma­felino Bazar, hepe ng Bi­ñan PNP, pito na sa 16 na preso ang kanilang na­ba­bawi matapos na mag­sisuko.

Habang ginagawa ang balitang ito, pitong preso na ang naibabalik sa Biñan jail kabilang sina Ralph Ochoa, Andrew Placios, Romano Mane, Eric­kson Javier, Wilson Esteban, Aries Bon at Marlon Pascual.

Patuloy pa rin naman ang paghahanap kina Angelo Estrella, Edwin De Vega, Raymundo Salde, Junar Emeterio, Adolfo Tanael, Jhonil Otbo, Jhon Lizardo, Edwin Osis at Rudy Pagkaliwangan.

Matatandaang ban­dang alas-3 ng madaling-araw nang makatakas ang labing-anim na preso na nahaharap sa ibat-ibang kaso tulad ng robbery, carnapping at droga nang pagtulungan nila ang nag-iisang jail officer na si JO1 Nestor Sabado habang naghahatid na­man ang kasamahan nitong si JO1 Novel Chi­cay sa maysakit na preso sa ospital.

Sinibak na rin sa pu­westo si P/Chief Inspector Gonzales Oggang bilang warden ng Biñan at pu­malit naman si P/Chief Ins­pector Melchor Antigue habang iniimbestigahan ang una.

Sasampahan na rin ng panibagong kasong assault in person with authority laban sa inmate na si Wilson Esteban mata­pos pangunahan ang jailbreak. (Arnell Ozaeta, Joy Cantos at Danilo Garcia)

ADOLFO TANAEL

ANDREW PLACIOS

ANGELO ESTRELLA

ARIES BON

ARNELL OZAETA

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CHIEF INS

CHIEF INSPECTOR GONZALES OGGANG

SHY

WILSON ESTEBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with