^

Probinsiya

Laguna jailbreak: 16 pumuga

-

BIÑAN, Laguna – Labing-anim na preso na may iba’t ibang ka­song kriminal ang iniulat na pu­muga matapos na pagtu­lungang kuyugin ang nag-iisang jailguard sa Biñan Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa naga­nap na jailbreak sa ka­sag­sa­gan ng ulan dulot ng bag­yong “Pablo” sa Laguna kahapon ng madaling-araw. 

Ayon kay P/Supt. Ma­felino Bazar, hepe ng Bi­ñan PNP, naitala ang jail­break dakong alas-3 ng ma­daling-araw kung saan sinamantala ng mga preso na nag-iisa si Jail Officer 1 Nestor Sabado na jailguard.

Apat naman sa la­bing-anim na preso na na­pilitang lang suma­mang tumakas ay agad na­mang sumuko na ki­ni­la­lang sina Ralph Ochoa, Andrew Placios, Ro­mano Mane at Erick­son Javier matapos ang ilang sandaling pagta­tago sa kani-kanilang lugar.

Kabilang naman sa mga pumugang preso na ngayon ay tugis ng mga awtoridad ay sina Wilson Esteban, Angelo Estrella, Edwin De Vega, Ray­mun­do Salde, Junar Emeterio, Adolfo Tanael, Aries Bon, Marlon Pas­cual, Jhonil Otbo, Jhon Lizardo, Edwin Osis at Rudy Pagkaliwangan.

Ayon sa tala ng BJMP, pawang may mga kasong theft, robbery at illegal na droga ang ki­na­kaharap ng mga presong pumuga.

Sa ulat na nakarating kay Jail Director Rosen­do Dial, hepe ng BJMP, nabigla sina Jail Officers 1 Nestor Sabado at No­vel Chicay nang ipa­alam sa kanila na nag­susuka ng dugo ang inmate na si Jemar Babia. Kaya pi­nagtulungang ilabas nina JO1 Chicay at presong si Wilson Esteban para isa­kay sa traysikel at dalhin sa pinakamalapit na os­pital.

Nang pabalik na si Es­teban sa kanyang selda na nag-iisang bi­nabantayan ni JO1 Sa­bado, bigla na lang sinal­ya nito ang jail officer at ti­nangka pang mang-agaw ng baril. 

Habang nag-aaga­wan ng baril, nakakita ng pagkakataon ang ibang preso at sinamantala ang pagkakataon para tuma­kas sa ibat-ibang direk­syon kasama si Esteban.

Mabilis naman naka­kuha ng pansin sa mga pu­lis-Biñan ang komos­yon hanggang sa mapi­gilan pa ang ibang preso na nag­tangkang tuma­kas din.

Bumuo na ng tatlong grupo na kinabibilangan ng PNP Regional Mobile Group at Biñan PNP laban sa mga pugante.

vuukle comment

ADOLFO TANAEL

ANDREW PLACIOS

ANGELO ESTRELLA

ARIES BON

AYON

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CHICAY

NESTOR SABADO

SHY

WILSON ESTEBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with