^

Probinsiya

Kristiyano sasalakayin ng MILF

-

Sasalakayin umano ng mga renegade na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front ang mga komunidad ng mga Kristiyano sa Davao, Zamboanga at Cotabato.

Sa pagsalakay, mambibi­hag at magmamasaker ng mga sibilyan at manununog ng mga bahay ang mga re­belde.

Dahil sa nasabing intelligence report, pinaigting ng Philippine National Police ang seguridad sa Central at Western Mindanao na target sala­kayin ng MILF renegades.

Bukod dito, ayon pa sa militar, may mga taga-suporta ang MILF na lumilibot sa Metro Manila. (Joy Cantos)

252 patay sa bakbakan

Umaabot na ngayon sa 252 katao ang namamatay sa patuloy na bakbakan ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at ng Moro Islamic Liberation Front sa Western at Central Mindanao at ilang lugar sa Autonomous Region for Muslim Mindanao mula nang manalakay ang grupo ng mga renegade commander ng MILF na sina Ameril Umbra Kato, Abdulrahman Macapaar alyas Bravo, at Aleem Sulayman Pangalian. Ito ang nabatid kahapon kay Defense Secretary Gilberto Tedoro na nagsabing kabilang sa mga namatay ang 163 rebelde, 35 sundalo at 54 na sibilyan. (Joy Cantos)

Tinodas ng kainuman

Rizal – Namatay si Fernando Mendoza nang barilin siya ng kapitbahay niyang dating sundalo ng Philippine Army na si Ricardo Ortiz Jr. habang nagkakainuman sila sa bahay nito sa Sitio Macopoy, Barangay Mascap, Rodriguez, Rizal kamakalawa ng hapon. (Edwin Balasa)

2 bangkay itinapon

Rizal – Dalawang bangkay ng lalakeng hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa Highway 2000, Barangay Sta. Ana, Taytay sa lalawigang ito kahapon ng umaga. Isa sa mga biktima ay nakasuot ng checkered short pants, puting damit, kayumanggi ang kulay at tinatayang may taas na mula 5’3 hanggang 5’5. Ang ikalawang biktima naman ay kayumanggi ang kulay, mula 5’5 hanggang 5’6 ang taas, may maliit na pangangatawan at may tatoong “sputnik gang” sa kaliwang binti. Kapwa nakagapos ang kanilang mga kamay at paa at may takip ng masking tape ng mga mata at may pasak natuwalya sa bibig. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ABDULRAHMAN MACAPAAR

ALEEM SULAYMAN PANGALIAN

AMERIL UMBRA KATO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AUTONOMOUS REGION

EDWIN BALASA

JOY CANTOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with