^

Probinsiya

Holdaper nang-agaw ng baril, tinodas

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang notoryus na hol­daper ang iniulat na napatay makaraang mang-agaw ng baril sa pulis habang nasa loob ng mobile car sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Ulysses Cruz, ang napatay na si Roger Chavez, 28, ng Tramo Street, Parañaque City.

Ayon sa police report, ka­sabwat ang isa pang holdaper, nangholdap sina Chavez na armado ng granada ng isang Bumbay sa may Barangay Bacao sa bayan ng Kawit, Cavite bandang alas-8 ng umaga.

Napag-alamang isinakay nina Chavez ang Bumbay sa traysikel at habang nakatutok ang patalim sa drayber ay nagpahatid patungong Ba­rangay Pag-Asa, Imus Cavite.

Nang makakuha ng ti­yem­po ang drayber, bigla nitong inihinto ang traysikel sa para­dahan sa nasabing lugar hang­gang sa makatakas ang Bum­bay pero nasunggaban naman ni Chavez ang drayber.

Dahil sa nasabing komos­yon, nakakuha ito ng pansin sa ibang drayber hanggang sa pagtulungan nila si Chavez at mabitawan ang hawak na granada nito at sumabog.

Sugatan na itinakbo si Chavez sa Kalayaan Hospital dahil sa mga tinamong tama ng shrapnel ng granada at ililipat sa Emilio Aguinaldo Hospital habang escort ni PO1 Roberto Conmigno Jr. Napag-alamang habang patungo sa nasabing ospital sa bahagi ng Barangay Bucandala 5 sakay ng mobile car ay tinangkang agawin ni Chavez ang baril ni PO1 Conmigno.

Dahil dito, nagpambuno ang dalawa hanggang sa mapa­tay ni PO1 Conmigno si Chavez sa loob ng mobile car. (Arnell Ozaeta at Cristina Timbang)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY BACAO

BARANGAY BUCANDALA

BUMBAY

CAVITE

CHAVEZ

CONMIGNO

CRISTINA TIMBANG

DAHIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with