^

Probinsiya

Adik vs pulis: 1 patay, 4 grabe

-

CAVITE – Isa ang iniulat na napatay habang apat iba pa ang malubhang nasugatan makaraang sumiklab ang madugong barilan ng mga adik at pulis sa bahagi ng Barangay Mimeje sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Michael “Nonoy” Bagobe, 27, habang kritikal naman sina Raffy “Papot” Ledesma, 28; Arvin Monarva, 28, pawang naninirahan sa Brgy. Poblacion 5; Mario Macapagal, 45; at si Reynold Rebot, 33.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO2 Gilbert Perla, napagtripang barilin ng grupo ni Bagobe si Macapagal habang nakatayo sa harapan ng videoke bar.

Kaagad naman rumesponde sina PO3 Dominador Ronquillo, PO2 Gilbert Derla, at PO2 Celestino San Jose at nakipagbarilan kina Bagobe, Ledesma at Monarva.

Napag-alamang tinamaan ng ligaw na bala si Rebot na nakatayo may ilang metro lamang ang layo sa sagu­paan.

Tugis naman ng pulisya ang pito pang suspek na mga kasamahan ni Bagobe na pinaniwalaang miyembro ng grupong holdaper.

Kabilang sa mga nasamsam mula sa mga suspek na sugatan ay ang apat na shotgun, isang maikling baril at mga bala. (Cristina Timbang)

vuukle comment

ARVIN MONARVA

BAGOBE

BARANGAY MIMEJE

CELESTINO SAN JOSE

CRISTINA TIMBANG

DOMINADOR RONQUILLO

GENERAL MARIANO ALVAREZ

GILBERT DERLA

GILBERT PERLA

LEDESMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with