^

Probinsiya

Vice mayor pinatay sa harap ng misis

-

BAUAN, Batangas – Kasalukuyang sinisilip ng mga imbestigador ng pu­lisya ang anggulong ne­gosyo o kaya pulitika ang pangunahing motibo kaya pinaslang ang vice mayor ng Mabini sa loob ng kan­yang call center building sa bayan ng Bauan, Batangas noong Martes ng gabi.

“Posibleng pinatay si Vice Mayor Rowell Sando­val dahil sa nakaaway nito sa pulitika o nakalaban sa negosyo,” pahayag ni P/Senior Supt. David Quimio, Batangas police director.

Si Sandoval, 51, ng Amu­rao Avenue sa Pobla­cion ay pinagbabaril ng nag-iisang ‘di-pa kilalang lalaki habang kausap  ang asawang si Wilma sa ground floor ng kanilang 2-story Research Solution Information Center (RSIC) call center building sa Buendia Street, Poblacion 3, bandang alas-8:40 ng gabi.

Itinakbo pa ng kanyang asawa si vice mayor  sa Bauan Doctors Hospital subalit idineklarang patay dahil sa mga tama ng bala ng baril.

Sa panayam ng PSNgayon sa hepe ng pulisya sa Bauan na si Supt. Antonio Malabanan, inilara­wan ng mga saksi ang gunman na payat, nakasuot ng blue T-shirt, maong short­pants,  tsinelas, may edad na 20 hanggang 25-anyos at may taas na 5’2”.

Sa nakalap na impor­masyon ng PSNgayon, posibleng may nagalit na kawani ng RSIC kina San­doval matapos pumalyang magpasuweldo ng tatlong buwan.

 “Sinisilip  din namin ang anggulong ‘yan dahil baka nga may nagalit na mga kapamilya ng empleyado dahil sa hindi nila pag­suweldo,” dagdag ni P/Supt. Malabanan

“Mukhang mababaw ‘yun na dahilan para pu­matay ng tao,” mariing pahayag ng kaanak ni Sandoval.

Si Sandoval na kasapi sa partido ng Kampi, ay naging mayor ng Mabini noong 1998 hanggang 2006 at nanalo bilang vice mayor noong May 2007 election. Dagdag ulat ni Ed Amoroso

ANTONIO MALABANAN

BATANGAS

BAUAN

BUENDIA STREET

SHY

SI SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with