^

Probinsiya

2 exec ng CEO tiklo sa extortion

-

BAGUIO CITY – Kala­boso ang binagsakan ng dalawang opisyal mula sa Baguio City Engineering Office (CEO) makaraang madakip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation sa isinagawang entrapment operation ka­ha­­pon ng umaga sa City Camp Lagoon sa nabang­git na lungsod.

Pormal na kinasuhan sa prosecutors office ang mga suspek na sina Assistant City Engineer Elpidio Ga­rabiles, 56; at Eng. II Richard Lardizabal.

Si Engr. Garabiles ay na­samsaman ng P10,000 mark money na nakalagay sa kanyang drawer na ibinigay naman ni Engr. II Lardizabal mula sa kon­ tra­tistang  si Rudy Encha­gue.

Ang dalawa ay magka­sunod na inaresto nina Special Investigator Edwin Fianza at Abner Dotimas.

“We have given them at least P80,000.00, and our project is only worth P2.4M,”  pahayag ni Echague.

“At ang pinakahuli ngang dini-demand ni Lar­z­idabal ay P10,000 para raw sa Bicol trip ni City Engr. Leo Bernardez mata­pos kung kolektahin ang 10 percent retention  mula sa P200,000.00,” dagdag pa ni Echague.

Inakusahan naman ng dalawa na may depekto ang proyekto ni Echague base na rin sa pagsusuri ng Commission on Audit kaya nagbigay ng malaking halaga para magawan ng paraan at pinabulaanang nangotong sila.

Mariin naman sinabi ni City Engineer Bernardez na wala siyang alam sa illegal activities sa kanyang opisina.

Hinihintay naman ni Ba­guio City Mayor Reinaldo Bau­tista Jr. ang opisyal na ulat sa pag­kakaaresto sa da­la­wa bago magbigay ng ko­mento. Artemio A. Dumlao

vuukle comment

ABNER DOTIMAS

ARTEMIO A

ASSISTANT CITY ENGINEER ELPIDIO GA

BAGUIO CITY ENGINEERING OFFICE

CITY

ECHAGUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with