^

Probinsiya

50 bahay tinupok ng apoy

-

Aabot sa 50 kabahayan ang tinupok ng apoy sa Man­daue City, Cebu kamakalawa. Batay sa ulat na naka­rating  kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente bandang alas-2:30 ng hapon sa bahagi ng  Zone Ka­munggay, Bgy. Paknan ng nasabing lungsod. Sa loob ng 15-minuto, umabot kaagad sa 50 kabahayan ang nadamay sa sunog na may P720, 000.00 ang kabuuang pinsala na patuloy pa ring iniim­bestigahan ng mga awto­ridad. Joy Cantos

Consultant itinumba

BATANGAS – Pinagbabaril at napatay ang isang consultant ng Tanauan City Hall ng ‘di-pa kilalang lalaki sa harap ng kan­yang bahay sa Barangay Malaking Pulo, Tanauan City, Batangas kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Supt. David Quimio, Batangas police director, ang biktimang si Crispino “Carding” Maglo, 56, consultant sa agriculture office ng Tanauan City Hall at dating kabesa ng nabanggit na barangay. Ayon sa police report, nagbubukas ng street light ang biktima nang lapitan at ratratin ng ‘di-kilalang lalaki. Arnell Ozaeta

Municipal accountant nilikida

Pinahirapan muna bago pinaslang ang municipal accountant sa Davao del Norte kamakalawa ng umaga. Ang biktimang nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at basag ang mga ngipin ay kinilalang si Rolando Bedis na natagpuan sa bisinidad ng Purok 2 sa Brgy. New Visayas, Panabo City dakong alas-5:45 ng umaga. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, hindi pagnanakaw ang motibo dahil suot pa rin ng biktima ang kanyang relo at nasa katawan pa rin  nito ang celfone. Joy Cantos

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY MALAKING PULO

JOY CANTOS

PLACE

PLACENAME

PLACETYPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with