^

Probinsiya

Paninigarilyo ipinagbawal

-

No smoking!

Ito ang mariing ipinag-utos  ni Major Gen. Samuel Narcise, chief ng Light Armor Division na nakabase sa Camp O’ Donnell sa bayan ng Capas, Tarlac  na naglalayong makaiwas sa po­lus­yon at mapangalagaan ang kalusugan ng mga sundalo.

Para naman sa mga hindi talaga maawat sa bisyong panini­garilyo, kailangang lumabas ng kampo habang ang mga  bu­mibisita naman bago pa man pumasok sa gate ay pinaa­ala­lahanan na ng mga military police hinggil sa patakaran.

Kasabay  naman sa   pagpapatupad ng no smoking sa loob ng kampo, ipinatutupad din ng Light Armor Division ang Car-Less Days tuwing araw ng Martes at Huwebes alinsunod sa direktibang ipinalabas ni Army Chief  Lt Gen Victor S. Ibrado.

Sa ilalim ng car less days ay magbibisikleta, maglalakad o magjo-jogging na lamang ang mga heneral at kanilang mga tauhan bilang tugon sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at smoke free na kapaligiran na isa ring alternatibong transportasyon at ehersisyo para sa  mga kasundaluhan.

Sa tuwing sasapit ang car less days  ay  may nakatalagang lugar lamang sa loob ng kampo na magsisilbing garahe ng mga personal na sasakyan ng bawat sundalo.

“Ang Philippine Army ay lubos na nakikiisa sa buong samba­yanan Pilipino upang maibsan ang krisis na kinahaharap ng bansa. Gayundin, isa ito sa mga hakbang upang mapagbuti ang kalusugan ng ating kasundaluhan,” ayon sa opisyal. Joy Cantos

ANG PHILIPPINE ARMY

ARMY CHIEF

CAMP O

CAR-LESS DAYS

JOY CANTOS

LIGHT ARMOR DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with