PNP inalerto vs NPA attack
Inalerto ni PNP chief Director General Avelino Razon Jr. ang mga kumander ng pulisya partikular na sa malalayong probinsya laban sa posible pang pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).
Ginawa ni Razon ang direktiba matapos ang serye ng mga pag-atake sa ilang himpilan ng pulisya lalo na sa bahagi ng CARAGA Region at maging sa
“Yes we have given, meron kaming instruction for our regional directors, provincial directors and even chiefs of police ng mga municipality to beef up ‘yung kanilang alert, yung kanilang security ng offices as to preclude itong mga atake ng NPA,” pahayag ni Razon.
Batay sa ulat, karaniwang puntirya ng mga rebelde ay ang mga himpilan ng pulisya sa mga liblib na lugar at maging ang mga kakaunti lamang ang mga nagbabantay na pulis.
Samantala, maliban sa pag-atake sa mga himpilan ng pulisya ay puntirya ring isabotahe ang mga telecommunications tower at iba pang establisyemento kung saan ay pangingikil ng revolutionary tax ang isa sa motibo na ayon sa PNP Chief ay dapat masupil.
- Latest
- Trending