^

Probinsiya

Tower ng Napocor pinabagsak

-

KIDAPAWAN CITY – Muli na naman pinasabog ang to­wer ng National Power Corporation (Napocor) sa Barangay Bagontapay, M’lang, Cotabato na may 200 metro ang layo mula sa M’lang-Makilala Highway, noong Miyerkules ng gabi..

Tatlong oras matapos pa­sa­bugin ang nasabing tower ay pinuntirya naman ng 2 rocket-propelled grenades ang bahagi ng 10MVA (Mega-Volt Amperes) ng Cotabato Electric Cooperative (Cotelco) sa Ba­rangay Manubuan, Matalam.

Napag-alamang ikaapat na ito sa kaso ng pananabotahe ng mga armadong grupo sa mga pasilidad ng kuryente sa Central Mindanao.

Nabatid na ang pinabagsak na tower ng Napocor sa bayan ng M’lang, ang nagsu-suplay ng kuryente mula Iligan City pa­tungong Tacurong City.

Samantala, ang Cotelco sub-station sa Manubugan Village sa Matalam ang nagsu-suplay ng kuryente sa may 13 bayan sa North Cotabato, ayon kay Felix Canja, opisyal ng Cotelco.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa natu­rang pag-atake bagama’t nagdulot ito ng takot sa mga residente, ayon na rin kay Wilfredo Tabingo, magsasaka ng Barangay Bagontapay, M’lang. Malu Cedelina Manar

BARANGAY BAGONTAPAY

CENTRAL MINDANAO

COTABATO ELECTRIC COOPERATIVE

COTELCO

FELIX CANJA

MAKILALA HIGHWAY

MALU CEDELINA MANAR

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with