^

Probinsiya

20 kawal pinarangalan

-

CAMP MELCHOR DELA CRUZ, Gamu, Isabela –  Dalawampung magigiting na sundalo kabilang ang ilang civilian defense personnel ang tumanggap ng pa­ rangal noong Biyernes (13 June) matapos ang mata­gumpay na pagtatanggol sa kanilang kampo laban sa mga rebel­deng New Peo­ple’s Army (NPA).

Ayon kay Major Gen. Melchor Dilodilo, hepe ng Army’s 5th Infantry Division (ID), personal na pinangu­nahan ni  Defense Secretary Gilbert Teodoro ang pagga­wad ng military commendation awards at medals sa mga magigiting na kawal na nakipaglaban sa mga NPA sa bayan ng Sallapadan, Abra noong June 7, 2008.

Kabilang sa mga binig­yan ng parangal na tu­mang­gap ng Military Commendation Medal dahil sa kanilang ipinakitang kaba­yanihan ay sina S/Sgt. Francisco Mallari (Inf) PA, Cpl Jorge  C Galicia  at 13-iba pa mula naman sa Civilian Armed Forces Geographical Unit.

Ang  Wounded Personnel Medal naman ay igina­wad kina S/Sgt. Francisco Mallari (Inf) PA, CAA Ron­nie Puglay, CAA Erwin Tu­malip, CAA Jeglen Punaal, at CAA Romarico Castro.

Sa kabila ng kakulangan ng mga sundalo at Civilian Armed Forces Geographical Unit ay sinagupa ang mga rebelde kung saan tu­magal sa walong oras na nagresulta sa pagkamatay ng anim na rebelde at ikina­sugat naman ng lima sa panig ng gobyerno.

Nakilala ang isa sa anim na napatay na rebelde na si Melito Tabaday alias Basbas, lider ng Kilusang Larangang Gerilya-South Central ng Ilocos-Cordillera Regional Committee.

Pormal naman dinalu­han ang okasyon nina Lt. General Isagani Cachuela, pinuno ng Tarlac-based Armed Forces of the Philippines’ Northern Luzon Command, Abra Gov. Eus­taquio Bersamin, Sallapa­dan Mayor Garde Cardi­nas, P/Chief Supt. Eugene Martin, Cordillera police director; at si P/Supt. Alexan­der Pumecha, Abra police director. Victor Martin

ABRA

ABRA GOV

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

C GALICIA

CIVILIAN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

FRANCISCO MALLARI

NOARAGRAPHTYLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with