4 utas sa diarrhea
Sa ulat ni Haidee Inting sa provincial health office, kinumpirma nito na apat ang nasawi kabilang na ang barangay councilman na si Rodelio Leyson ha bang ang tatlong iba pa na may edad 30 hanggang 50-anyos ay magkakapitbahay at bineberipika pa ang pagkikilanlan.
Sa kasalukuyan ay inatasan na
Naniniwala naman ang health department na ang tubig inumin ay kon tamindo ng bacteria.
Inatasan din ni Giangco ang mga health worker na kumuha ng sample ng dumi ng mga biktima para suriin.
Karamihan sa mga biktima ay nakaranas ng matinding sakit sa tiyan at pagsusuka bago mamatay subalit wala naman ma tagpuang dugo sa kanilang dumi.
Noong Abril 2008, isa ang kumpirmadong na sawi habang 15 iba pa ang naospital dahil sa typhoid fever dahil sa kontaminadong tubig mula sa balon sa Barangay Sta. Lucia.
Lumabas sa resulta ng pagsusuri na
Nadiskubre rin ng provincial health office na karamihan sa bahay ay walang palikuran kaya nagkalat ang dumi ng tao sa likurang bahagi ng kani-kanilang bahay.
Kaya kapag umulan, ang nasabing bacteria ay nagtutuloy sa balon at nagdudulot para maging kontaminado ang inuming tubig.
Napag-alamang apat na balon na pinagkukunan ng tubig inumin ng mga residente ang isinara dahil sa positibong kontaminado ng nabanggit na bacteria.
Ipinag-utos na ni Ma yor Allan Adlawan sa mga naninirahan sa nabanggit na barangay na magsimula ng pakuluan ang tubig bago ito inumin upang maiwasan ang nasabing sakit. Dagdag ulat ni Joy Cantos
- Latest
- Trending