^

Probinsiya

4 na cattle rustler todas sa shootout

-

Camp Vicente Lim, Laguna – Apat na pinaniniwalaang miyembro ng isang cattle-rustling syndicate ang napatay ng mga pulis kahapon ng madaling araw sa Barangay Balubad, Silang, Cavite.

Ayon kay Senior Superintendent Hernando Zafra, Cavite police director, napatay ang hindi pa rin nakikilalang mga suspek matapos ipaalam ng mga barangay officials sa mga pulis ang kahina-hinalang galaw ng apat na armadong kalalakihan sa kanilang lugar bandang alas-3:30 ng madaling-araw.

Nang rumesponde ang mga elemento ng Silang police sa area, natagpuan nila ang mga suspek sa aktong kakatayin ang dalawang baka at ilang mga kambing.

Sisitahin na sana ng mga pulis ang mga suspek nang makipagbarilan ang mga ito sa kanila gamit ang dalawang caliber 38 pistol at isang improvised shotgun na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Sinabi ng pulisya na ang mga suspek ay miyembro ng sindikatong nagnanakaw ng mga baka at kalabaw sa nasabing lugar at mga karatig bayan. (Arnel  Ozaeta at Cristina Timbang)

APAT

ARNEL

BARANGAY BALUBAD

CAMP VICENTE LIM

CAVITE

CRISTINA TIMBANG

SENIOR SUPERINTENDENT HERNANDO ZAFRA

SILANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with