^

Probinsiya

P3-M payroll nalimas

-

LA TRINIDAD, Benguet – Tinatayang aabot sa P3 milyong payroll ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Apayao ang iniulat na tinangay ng mga maskaradong kalalakihan sa naganap na holdapan sa Sitio Banan, Barangay Lenneng sa bayan ng Cabugao, Apayao noong Martes ng hapon. Ayon kay Cordillera PNP spokesman P/Supt. Arni Emock, patungo sa munisipyo ng Cabugao sina Danilo Balican at tatlo pang kawani lulan ng Mitsubiishi Pajero para mag-deliver ng payroll (P3,098,000.00) nang harangin ng mga armadong kalalakihan. Hindi na nakapalag ang mga biktima matapos tutukan ng baril saka nilimas ang bag na naglalaman ng malaking halaga na ipapasuweldo sana sa mga kawani ng nabanggit na bayan. Artemio Dumlao

APAYAO

ARNI EMOCK

ARTEMIO DUMLAO

AYON

BARANGAY LENNENG

BENGUET

CABUGAO

DANILO BALICAN

MITSUBIISHI PAJERO

SITIO BANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with