9 katao lasog sa bangin
Malagim na kamatayan ang sinapit ng siyam-katao kabilang ang tatlong bata habang labing-isa pa ang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyang mini-bus sa panibagong sakunang naganap sa Purok 2, Barangay Baculin sa bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur, ayon sa ulat kahapon.
Kabilang sa mga nasawi ay sina Fausto Quezada y Malinao, 77; Helenita Montilla y Adlawan, 48; Mylene Montilla, 10; Bellaza Casagda y Bayron, 52; Julieta Soriano y Arena, 52; Juamar Ronquillo y Quezada, 4; Juan Llamas y Antigo, 1; at dalawang iba pa na inaalam pa ang pagkakakilanlan.
Naisugod naman sa DO
Sa naantalang ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, pauwi na sana ang mga biktimang lulan ng “Norman Dee” mini-bus (GTH-139) mula sa bayan ng Barobo nang biglang mawalan ng preno ang sasakyan habang bumabagtas sa matarik na bahagi ng kalsada.
Bunga nito, hindi nakaiwas ang drayber sa putol na hillside kung saan bumulusok ang sasakyan sa malalim na bangin.
Mabilis namang sumaklolo ang rescue team ng lokal na pamahalaan at naisugod naman sa nasabing ospital ang mga biktima. Joy Cantos
- Latest
- Trending















