^

Probinsiya

P15 dagdag sa COLA ng manggagawa sa Mindanao

-

Davao City –  Makaka­tanggap na ng P15 na dag­dag sa kanilang cost of living allowance ang mga mang­gagawa sa Southern Mindanao makaraang  sang-ayunan ng regional tripartite wage and productivity board XI ang halaga na nakasaad sa pinagtibay na Wage Order No. 15.

Inaprubahan ng RTWPB XI ang P15 dagdag sa COLA  makaraang magsagawa ng mga kaukulang pagdinig  at deliberasyon sa  umento sa sahod ng mga manggagawa sa rehiyon.

Itinakda ang minimum na sahod sa Southern Minda­nao sa P240 at magiging P255 na kapag nagkabisa ang bagong wage order sa Setyembre.

Sa bagong wage order,  pare-pareho na ang umento sa sahod ng mga mang­gagawa sa mga lunsod at lalawigan.

Hindi na rin magkakaroon ng klasipikasyon sa mga agricultural workers na noong una ay itinataguri sa  plantation at non-plantation. (Edith Regalado)

vuukle comment

DAVAO CITY

EDITH REGALADO

INAPRUBAHAN

SOUTHERN MINDA

SOUTHERN MINDANAO

WAGE ORDER NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with