^

Probinsiya

6 holdaper timbog

-

Kalaboso ang binagsakan ng  anim na kalalakihan na pinaniniwalaang mga holdaper makaraang maharang at masakote sa checkpoint sa Barangay Sangbay, Nagtipunan, Quirino kamakalawa.

Kabilang sa mga kinasuhang suspek ay sina Arthur Burda, Oliver Padal-a, Wilfredo Dio-olan, Eduardo Dagiw-a, Mark Ticaan at si Marlon Talagtag.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, inalarma ng Information and Action Response ng  Dinapigue PNP ang himpilan ng pulisya sa Isabela at Quirino matapos magpadala ng text messages kaugnay ng naganap na robbery/holdup kung saan nagsitakas ang mga suspek sakay ng Toyoya Innova wagon (AHJ-467) patungo sa direksyon ng Quirino. Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos na parahin sa checkpoint ng mga awtoridad.

Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang baril, mga bala, anim na celfone at halagang P.2.84 milyon.

Sa beripikasyon, natukoy ang may-ari ng sasakyang naka­rehistro kay Divina Rosal ng Baguio City at nirentahan  la­mang  ng  suspek  na  si  Talagtag. Joy Cantos

vuukle comment

ARTHUR BURDA

BARANGAY SANGBAY

CAMP CRAME

DIVINA ROSAL

EDUARDO DAGIW

INFORMATION AND ACTION RESPONSE

QUIRINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with