^

Probinsiya

Manukan sa barangay inireklamo

-

CABANATUAN CITY – Nanawagan ang mga residente ng Barangay Cabu kay City Mayor Alvin P. Vergara na tuluyang ipasara ang mga poultry farm sa kanilang lugar dahil sa masangsang na amoy at nalalagay sa peligro ang kanilang kalusugan.

Pinangunahan ni Chairman Conrado Mercado, ang mga residenteng nagtungo kay P/Senior Supt. Napoleon C. Taas, Nueva Ecija police director, upang ihayag ang kanilang mga hinaing sa poultry farm na inilarawan nilang pinatatakbo ng mga dayuhan dahil sa maraming taon na ang lumipas ay nanatili pa rin itong marumi, malangaw at mabaho.

Ayon kay Mercado, nabigo ang mga may-ari ng poultry farm na magsagawa ng karampatang hakbang tulad ng instalasyon ng ventilated tunnel upang ma­iwasan ang sobrang perwisyo sa mamamayan.

Samantala, iginiit naman ng mga may-ari ng ma­nukan, ang kanilang karapatang sa negosyo dahil may mga kaukulang dokumento silang pinangha­hawakan na nagpapatunay na pasado ang kanilang manukan sa mga kinauukulang ahensya.

Sa inspection report na nilagdaan nina Allen Fletcher at Federico Sapang, lumilitaw na nabubulahaw ang mga residente sa pagtulog ang pagkain dahil sa masangsang na amoy at dumaraming langaw sa buong kapaligiran. Christian Ryan Sta. Ana

ALLEN FLETCHER

BARANGAY CABU

CHAIRMAN CONRADO MERCADO

CHRISTIAN RYAN STA

CITY MAYOR ALVIN P

FEDERICO SAPANG

NAPOLEON C

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with