Shellfish ban muli sa Zambales
Muling ipinagbawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pangunguha at pagkain ng tahong, talaba, tulya, at iba pang shellfish sa karagatan ng Masinloc Bay sa Zambales matapos mapansing kontaminado muli ito ng red tide.
Bunsod nito, sinabi ni BFAR director Malcolm Sarmiento na bawal kainin at maghango ng mga shellfish products mula sa naturang lugar.
Noong Marso ng taong ito lamang naalis ang shellfish ban sa lugar at makaraan ang isang buwan ay muli na namang lumitaw dito ang naturang red tide toxin.
Nakataas pa rin ang shellfish ban sa Bislig bay, Dumangguillias bay sa Zamboanga del Sur at Wawa sa Bani, Pangasinan matapos na makita pa rin ang red toxin sa nasabing lugar. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending