Barangay kinubkob ng MILF rebs
Ayon sa ulat ni Kalamansig Mayor Rolando Garcia, pinasok ng mga rebeldeng MILF ang nabanggit na barangay at agad ipinag-utos sa mga residente na magsilikas.
Dahil sa takot, agad na nagsilikas ang mga residente na karamihan sa kanila ay mga Ilokano at Ilonggo, at pansamantalang naninirahan sa Poblacion ng Kalamansig, ayon kay Mayor Garcia.
Ayon kay Garcia, ang malawak na lupain ng Barangay Sangay ay minana pa ng mga Ilokano at Ilonggo sa kanilang mga ni nuno.
Nanguna sa paglusob sa naturang lugar ay si Commander Boyet na nagmula sa Barangay Kulong-Kulong sa kalapit bayan sa
Nangako naman si MILF Spokesman Eid Kabalu na kanilang beberipikahin ang impormasyon.
“But we have not received the report yet, we are verifying it,” saad ni Kabalu.
- Latest
- Trending