^

Probinsiya

40 preso naratay sa diarrhea

-

Apatnapung (40) pre­so ng Iloilo Rehabilitation Center ang nara­tay sa pagamutan ma­tapos ang mga itong dumanas ng diarrhea dahilan umano sa pag­kain ng panis na kanin sa Pototan, Iloilo ayon sa ulat kahapon.

Batay sa report, na­kakain umano ng panis na kanin ang naturang mga preso nitong nag­daang mga araw na siyang pinaniniwa­laang sanhi ng labis na pag­tatae ng mga bilanggo.

Inirereklamo rin ng mga preso ang maru­ming inuming tubig sa ku­lu­ngan sa bayan ng Poto­tan sa naturang lalawi­gan.

Ayon sa mga preso, kahit ilang beses salain ay hindi pa rin nawa­ wala ang dumi at maba­hong amoy ng tubig.

Ipinaliwanag ng ta­galuto ng kulungan na hindi nila matantya ang pagluluto ng kanin dahil hindi magandang klase ng bigas ang sinu-supply  sa kanila na mabilis umanong mapanis.

Nasa ligtas ng kala­gayan ang nasabing mga preso matapos ma­aga­pan ang diarrhea ng mga ito habang isa pa ang patuloy na inoob­ser­bahan sa Iloilo Provincial Hospital dahil sa diarrhea. (Joy Cantos)

vuukle comment

APATNAPUNG

AYON

BATAY

ILOILO

JOY CANTOS

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with