^

Probinsiya

Abogado ng ex-governor itinumba

- Artemio Dumlao -

LA TRINIDAD, Ben­guet – Matapos ang kon­trobersyal na patayan sa ilang bayan sa lalawigan ng Abra na tinaguriang Cor­dillera’s Killing Fields, ay isa na namang karahasan ang  naganap noong Ling­go ng hapon makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang abo­gado ni dating Abra Governor  Vicente Valera sa loob mismo ng kanyang opisina sa Pratt Street sa Barangay Zone 4, Bangued.

Dalawang bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ng beteranong criminal defense lawyer na si Demetrio Villamor Pre, 75, matapos upakan ng dala­wang ‘di-pa kilalang kala­lakihan  bandang alas-3:30 ng hapon.

Sa ulat na isinumite kay Cordillera police spokesman P/Supt. Arni Dean Emock, lumilitaw na ka­usap ni Atty. Pre, si Ber­nardo Bañes, 71, nang rat­ratin ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki.

Nagtamo ng tama ng bala ng .45 cal sa ulo at ka­li­wang mata bago tumakas ang gunmen sakay ng mo­torsiklo.

Naisugod pa si Atty. Pre sa Seares Memorial Clinic, ngunit idineklarang patay ng mga doctor.

Sinisilip ng mga imbesti­gador na may kaugnayan sa awayan sa lupa kung saan sangkot si Atty. Pre.

Ayon sa mapagkakati­wa­laang source ng PSNGAYON, kailangang silipin din ng pulisya na posibilidad na vendetta ang isa sa motibo ng krimen dahil si Atty. Pre ay tumatayong abogado ni ex- Governor Vicente Valera na napaulat na isinasangkot sa pagpatay kay dating Abra Rep. Luis Bersamin noong December 2006.

vuukle comment

ABRA GOVERNOR

ABRA REP

ARNI DEAN EMOCK

BARANGAY ZONE

DEMETRIO VILLAMOR PRE

GOVERNOR VICENTE VALERA

KILLING FIELDS

LUIS BERSAMIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with