^

Probinsiya

Aleman nakasagasa

-

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isang German national ang kasalukuyang ikinulong ng mga awtoridad matapos na mapatay nito ang isang biyudang ginang na kanyang aksiden­teng mabundol kamakalawa ng hapon sa Barangay Basud , Sorsogon City.

Nakilala ang biktima na hindi na umabot pa ng buhay sa Sorsogon Doctors Hospital na si Norma Tuazon, 68, biyuda, at residente ng naturang barangay.

Ang suspek na kaagad naman na hinuli ng mga awtoridad ay kinilalang si Ortwin Grubert, 51, seaman at pansaman­talang nakatira sa Executive Village, Barangay Piot, Sorsogon City.

Patawid sa isang kalsada ang biktima nang mabundol ito ng isang Isuzu Trooper na minamaneho ng dayuhan.  (Ed Casulla)

Bunso tinodas

Cabanatuan City – Pinagbabaril  hanggang mapatay  ng isang di-kilalang salarin  ang bunsong kapatid  ng isang dating mayor sa Pantabangan, Nueva Ecija, Huwebes ng umaga sa  loob ng restoran nito sa Poblacion, Rizal, Nueva Ecija, ayon sa report ng pulisya kahapon.

Nakilala ang biktima na si Nestor Uera, 50, ng Poblacion Pantabangan at kapatid ni dating mayor Lucio Uera. Christian Ryan  Sta Ana

vuukle comment

BARANGAY BASUD

BARANGAY PIOT

CABANATUAN CITY

CHRISTIAN RYAN

NUEVA ECIJA

PLACENAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with