^

Probinsiya

Research building sa UPLB niratrat

-

Camp Vicente Lim, Laguna – Binalot ng matinding tension ang campus ng University of the Philippines-Los Baños sa Laguna matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang research building dito kamakalawa ng madaling-araw.

Ayon kay Senior Superintendent Felipe Rojas, Jr. Laguna police director, isang sasakyan umano na may lulang ar­ madong kalalakihan ang mabilis na dumaan sa Dairy Training Research Institute at walang habas na pinagbabaril ang gusali ng M-16 armalite rifle bandang alas-12 ng hatinggabi.

Bagamat walang nasaktan sa nasabing insidente, nasira naman ang isang refrigerator at isang electric fan mula sa salesroom ng gusali matapos tamaan ng mga bala ng baril.

Sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong pagpapalit ng security agency ng UPLB na kung saan ilan sa mga gwardya nito ang hindi na na-absorb ng pumalit na security agency.

Inamin din ng Los Baños police na nahihirapan silang imbestigahan ang loob ng UPLB matapos tumangging makipag-coordinate ang UPLB police na may sariling charter o hurisdiksyon sa nasabing unibersidad.  (Arnel Ozaeta)

vuukle comment

ARNEL OZAETA

AYON

BAGAMAT

CAMP VICENTE LIM

DAIRY TRAINING RESEARCH INSTITUTE

JR. LAGUNA

LOS BA

SENIOR SUPERINTENDENT FELIPE ROJAS

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES-LOS BA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with