Onsehan sa carnapping, motibo sa Gapo masaker
Iniimbestigahan ngayon ng “Task Force Scarlet” ang anggulong onsehan ng sindikato sa carnapping na pinaniniwalaang kinaaaniban ng live-in partner ni Viva Hot Babe at FHM model Scarlett May Garcia na isa sa apat na minasaker ng mga ‘di-kilalang kalalakihan sa Barangay Gordon Heights sa Olongapo City noong Huwebes ng Marso 13.
Ayon kay Task Force Scarlet commander at Olongapo City PNP chief Senior Supt. Abelardo Villacorta, lumilitaw sa kanilang imbestigasyon na konektado sa carnapping syndicate si George Vitug Castro at posibleng nagka-onsehan ang nasabing grupo na humantong sa malagim na krimen.
“May nakikita na kaming may kaugnayan sa kasong carnapping. Pero puwede itong nagkaroon ng onsehan sa kanilang dealing na maaaring naging dahilan ng krimen,” dagdag pa ni Villacorta.
Napag-alamang si George ay isang car dealer at pinsan ng isang pulis ng Traffic Management Group na si SPO1 Leopoldo Vitug Jr. na naunang nilinis ang kanyang pagkakasangkot sa krimen matapos na lumitaw na negatibo sa ballistic test ang kanyang .45 caliber pistol.
Ayon pa kay Villacorta, malaki ang posibilidad na kakilala ng mga biktima ang mga killer kaya pinaslang silang lahat sa aparment.
Matatandaan na noong Marso 13 ng madaling-araw ay natagpuan ang mga bangkay ng apat na may mga tama ng bala ng baril kung saan tinangkang sunugin para itago ang krimen sa townhouse sa
- Latest
- Trending