^

Probinsiya

Environmentalists binantaan

-

CAVITE – Matinding ta­kot ang nararanasan ng mga miyembro at pamilya ng isang environmental group na pumapalag sa pagtatayo ng landfill sa Ternate, Cavite makaraang makatanggap ng pagbabanta simula pa noong nakalipas na linggo.

Sa panayam ng NGA­YON kay Carmela Boren, director ng Kalikasan Foundation, tatlo sa kanilang volunteer workers ang naka­tang­gap ng tawag sa te­lepono mula sa hindi nag­papa­kilalang tao at sina­sabihang huwag sumama sa mga kilos-protesta kung ayaw na may mangyaring masama sa kanilang pa­milya.

Ayon kay Dr. Thelma Ramos, chairperson ng Ka­likasan Foundation, ka­sama ang Ternatenos Against Landfill ( TALA) at ang Cavite Green Coalition ay nagsa­gawa ng kilos-protesta laban sa pagtatayo ng landfill dahil maaapektuhan ang supply ng tubig at turismo ng Ternate at mga kalapit bayan ng Naic, Maragondon at Tanza sa Cavite.

Nag-aklas ang mga taga-Ternate matapos sumang-ayon ang siyam sa sampu nilang barangay chairman sa naturang landfill project.

Ayon naman sa source ng NGAYON na ayaw mag­pakilala, napapirma ang mga barangay captain matapos mabigyan ng tig-P10,000 mula kay Governor Ireneo “Ayong” Maliksi kapalit ng pag-sang ayon sa proposed landfill.

“They were initially offered P50,000 each but were given P10,000 as down payment in the agreement,” paglalahad ng source.

Mariin namang pinabula­anan ni Governor Maliksi sa pamamagitan ng kanyang public information officer na si Alda Cabrera sa isang mo­bile interview ng NGAYON.

“Noong una, talagang tumatanggi ang mga ba­rangay captain sa landfill proj­ ect, pero noong napali­wana­gan na, sila pa mismo ang nagpa-follow-up kung kailan daw matutuloy ang proyekto,” paliwanag pa ni Cabrera.

Nilinaw naman ni Governor Maliksi na ligtas ang sanitary landfill project dahil nabigyan na ito ng Environmental Compliance Certificate (ECC) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

ALDA CABRERA

AYON

CARMELA BOREN

CAVITE

GOVERNOR MALIKSI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with