^

Probinsiya

Ex-con, barangay tanod itinumba

-

CEBU CITY – Da­lawa-katao kabilang ang iniulat na pinas­lang noong Biyernes sa na­ganap na mag­kahiwalay na karaha­san sa Cebu City, Cebu.

Si Charles Sieberto “Berto” Bacatan, 32, na kalalabas pa lamang sa Cebu City Jail sa kasong droga, ang pi­nagbabaril hanggang sa mapatay ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa bakuran ng kan­yang bahay sa Dr. Reyes Street, Purok 3 Upper, Barangay Cam­puthaw, Cebu City.

Ayon kay SPO2 Jay Yballe, narekober sa crime scene, ang isang deformed metal jacket, apat na empty shells ng cal. 40 at isang coin purse na may lamang barya at apat na maliliit na paketeng pinanini­walaang shabu mula sa bulsa ng pinaslang.

Kasunod nito, ilang minuto matapos pata­yin si Bacatan, isa na­mang barangay tanod ng Barangay Sudlon, ang binaril at napatay sa harap mismo ng kanyang maybahay at anak ng dati nitong hi­nuling suspek din sa pamamaril.

Ayon sa pulisya, pauwi na si Fermin Tulid, 33, kasama ng kanyang misis na si Zenaida at anak na si Gilbert nang harangin at pagbabarilin ng sus­pek na si Hermogenes Cabigas, 36.

Napag-alamang, isa sa mga dumakip sa suspek noong Agosto 13, 2007 ay si Tulid matapos nitong barilin ang kamag-anak.

Isa rin si Tulid sa naging saksi sa nasa­bing kaso kayat bina­laan ito ng suspek na papatayin sakaling ma­kapagpiyansa. (Edwin Ian Melecio)

vuukle comment

AYON

BACATAN

BARANGAY CAM

BARANGAY SUDLON

CEBU

CEBU CITY

CEBU CITY JAIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with