Nambastos ng babae, dinedo
NUEVA ECIJA – Dahil sa ginawang pambabastos ng isang 41-anyos na farm helper sa ka-live-in partner na babae ng kanyang kapitbahay ay napaaga ang salubong ni kamatayan sa una makaraang saksakin ng ilang ulit sa Barangay San Pascual, Talavera kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang nasawing si Rico Paburada y Garzon ng Vicente Palilio III Compound sa nabanggit na barangay. Naaresto naman ang suspek na si Nolie Dayuday.
Napag-alamang nagreklamo ang ka-live-in ng suspek kaugnay sa pambabastos ng biktima sa kanya.
Kaagad naman kinompronta ng suspek ang biktima hanggang sa maganap ang pamamaslang. (Christian Ryan Sta. Ana)
- Latest
- Trending