^

Probinsiya

Baboy ni-rape ng kelot

-

Matinding kahihiyan ang sinapit ng isang 21-anyos na lalaki makaraang maaktuhang ginagahasa nito ang isang baboy sa loob ng piggery sa bayan ng Murcia, Negros Occidental ka­makalawa ng madaling-araw.

Kalaboso ang binagsakan matapos na ipinaaresto ang suspek na si Crisanto Daunong ng  Barangay Amayco, Murcia,  Negros Occidental.

Si Daunong ay inireklamo sa pulisya ni  Ruben Tulo, caretaker ng Hacienda Hubillanos sa naturang lalawigan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na na­alimpungatan si Mang Ruben sa ingay na dulot ng alaga nitong apat na buwang baboy.

Kaagad na tinungo ang babuyan at naaktuhan ang sus­pek na hinahalay ang kanyang baboy.

Sa himpilan ng pulisya, inamin ng suspek ang panghahalay sa baboy at sinabing nagawa lamang niya ito dahil sa labis na kalasingan.

Gayon pa man, pinakawalan din ang suspek dahil sa ka­walan ng kasong maisasampa laban dito. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY AMAYCO

CRISANTO DAUNONG

HACIENDA HUBILLANOS

JOY CANTOS

MANG RUBEN

MURCIA

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with