PGMA, dumayo sa Cavite para sa People Power anniv.
Pinangunahan ni Cavite Governor Ayong Maliksi, ang pagtitipon kasama ang mga lokal na opisyal ng 20 bayan at 3 lungsod sa nabanggit na lalawigan kabilang na ang ilang lider mula sa sektor ng kabataan, kababaihan, senior citizen, negosyante, kooperatiba at may kapansanan ang nagpahayag ng kanilang damdamin ukol sa mga nagaganap na krisis pampulitika sa bansa.
Sa talumpati ni Gov. Maliksi, nagpasalamat siya sa Pangulo sa kanyang pagdalo nang malaman ang kaganapan sa
“Magkaisa tayong mga Kabitenyo na pahalagahan ang kaunlarang tinatamasa ng ating bayan sa kasalukuyan sa pamamagitang pagwaksi sa anumang tangkang panggugulo ng mga may pansariling interes sa kasalukuyang mga inisyatibo ng pamahalaang nasyonal,” pahayag ni Maliksi.
Idinagdag din niya na sa
Patunay nito ang pagsuporta ng Pangulo noong 2002 sa panawagan ng
Ilan pa sa malalaking proyekto ng pamahalaang nasyonal na pinakikinabangan ng mga Kabitenyo ay ang Daang-Hari Extension na malapit nang matapos, ang Manila-Cavite Coastal Road Extension na ginagawa sa kasalukuyan at matatapos sa taong ito at ang panukalang LRT Line 1 extension.
Sa kabilang banda, nagpasalamat naman ang Pangulo sa pagdiriwang ng mga Kabitenyo na aniya’y tunay na diwa ng EDSA.
Idinagdag pa ng Pangulo na malaki ang ginampanang papel ng mga Kabitenyo noong panahon ng rebolusyon at malaki rin ang magagawa nito sa kasalukuyan para sa kaunlaran ng bayan kung kaya’t hinimok niya na dalhin hanggang sa Senado ang kanilang tinig laban sa katiwalian para sa pagkakaisa at kaunlaran ng bansa.
- Latest
- Trending