P70-M pondo ng FCS naubos
SUBIC BAY FREEPORT — Nalalagay sa balag ng alanganing masibak at kasuhan ang ilang opisyal na mapapatunayang sangkot sa maanomalyang mga transaksyon kaya naubos ang pondo ng Freeport Service Corp. sa nagbibigay ng serbisyo sa
Ito ang pahayag ni Antonio Rex Chan, bagong talagang presidente ng FSC noong Lunes matapos ipahayag ang voluntary retirement program na isinagawa ng management na isa sa mga paraan upang maisalba ang naghihingalong kompanya.
“Kasalukuyan kaming nangangalap ng ebidensiya at naghahandang magsampa ng kaukulang kaso laban sa ilang opisyal at kawani ng FSC,” pahayag ni Chan.
Katuwang ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) at ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isinasagawang malawakang imbestigasyon, ayon pa kay Chan.
Kabilang sa mga operasyon ng FSC ay magbigay ng manpower services sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at mga business locators bukod sa pagma-manage ng ilang tourism facilities gaya ng housing at beaches maging ang operasyon ng dalawang gas stations sa loob ng Subic Freeport.
Sinabi ni Chan, na dating kumikita ang operasyon ng FSC subalit sa kasalukuyan ay nahaharap sa pagkalugi at kaila ngang matugunan ang mga pinansyal na obligasyon na umaabot sa P70 milyon. (Alex Galang)
- Latest
- Trending