^

Probinsiya

Pulis itinumba sa karnabal

- Artemio Dumlao -

LA TRINIDAD, Ben­guet – Walang awang bi­naril at napatay ang isang 44-anyos na pulis ng isang barangay captain katuwang ang kan­yang anak na lalaki sa na­ganap na panibagong kara­hasan sa loob ng amusement carnival sa bayan ng Penna­rubia, Abra noong Martes ng gabi.

Ang biktimang si PO1 Albert Salvador na nagla­laro ng ‘drop ball’ sa carnival nang lapitan at barilin sa ulo ng suspek na si Riang Barangay Captain Revillo Valera Damasen, 52.

Ayon sa mga nakasaksi sa krimen, hindi na kina­usap ng suspek ang bik­tima at basta na lamang binoga sa likurang bahagi ng ulo.

Maging ang anak na la­laki ni Damasen ay nagpa­putok ng M16 assault rifle para balaan ang sinumang magtatangkang tumulong sa napatay na pulis. Tugis naman ng pulisya ang mag-amang Damasen habang blangko pa rin ang kapu­lisan sa motibo ng pama­maslang.

Naganap ang krimen ma­ta­pos ideklara ni Task Force Abra commander at Cordillera police deputy director for operations Senior Supt. Noel Manabat na ang Abra ay tahi­ mik na lala­wigan matapos ang May 2007 elections. (Dagdag na ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABRA

ALBERT SALVADOR

DAMASEN

JOY CANTOS

NOEL MANABAT

RIANG BARANGAY CAPTAIN REVILLO VALERA DAMASEN

SENIOR SUPT

SHY

TASK FORCE ABRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with