^

Probinsiya

Libong raliyista hinarang

-

KIDAPAWAN CITY – Libu-libong raliyista na pinaniniwalaang tutol sa RP-US Balikatan ang ini­ulat na hinarang ng mga sundalo sa Maguindanao-Cotabato Highway para mapigilang lumahok sa isasagawang malawakang kilos-protesta.

Wala namang maipaki­tang kaukulang dokumento para lumahok sa protest rally ang grupo ni Zaynab Ampatuan, matapos sitahin ni Lt. Gilbert Barrera ng 7th Infantry Battalion.

“Di na namin kailangan ang permit mula sa AFP dahil may pahintulot na ng local government unit ng Pikit sa North Cotabato ang gagawing rally at caravan,” pahayag ni Ampatuan.

Nabatid na ang  grupo ni Ampatuan ay nagmula pa sa bayan ng Carmen na karamihan ay sakay ng apat na trak sa Kidapawan City at sa Makilala, North Cotabato.

Napag-alamang may mga raliyista ring pinigil na mula sa mga bayan sa Shariff Kabungsuwan, Ma­guindanao, at sa hilagang bahagi ng North Cotabato.

Sa bayan ng Pikit, North Cotabato, na isa sa pag­darausan ng humanitarian mission ng RP-US Bali­katan ay gagawing assembly area para sa culminating activity ng “out now! Mindanao.”

Tutol ang mga militante sa RP-US Balikatan, kahit pa walang magaganap na war games, dahil gagamitin lamang ng US government sa pansarili nilang interes ang nasabing misyon sa Mindanao.

Ayon sa grupong mili­tante, malaki  ang interes ng US government sa mga likas na yaman ng  Minda­nao, lalo na ang natural gas mula sa Liguasan marsh. (Malu Cadelina Manar)

AMPATUAN

BALIKATAN

GILBERT BARRERA

INFANTRY BATTALION

NORTH COTABATO

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with