^

Probinsiya

Cavite hazing: 1 dedo, 1 pa grabe

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Isang 22-anyos na bi­nata ang iniulat na namatay samantala, nasa kritikal na kondisyon naman ang kaibigan nito makaraang sumailalim sa fraternity hazing sa bayan ng Naic, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang nasawi na si Ardin Velasco habang kritikal si Mamije “Johnny” Oliver, 24, kapwa residente ng Ba­ra­ngay Molino sa nabanggit na bayan.

Naaresto naman ang isa sa suspek na si Erickson “Mopat” Arahan, 24, presidente ng Cavite Varsitarian Fraternity habang pinaghahanap naman ang iba pang suspek.

Napag-alamang ni-recruit ang 15-katao kabilang na sina Oliver at Velasco ng isa sa mga miyembro ng frat, para sumailalim sa matinding hazing sa Barangay Labac bandang alas-8:30 ng gabi.

Sa kinasamaang palad, hindi nakayanan ng dalawa ang tindi ng mga palo ng paddle hanggang sa kapusin sila ng hininga at mawalan  ng malay-tao na nagresulta ng pagka­matay ni Velasco.   

Pormal na nagreklamo ang mga magulang ng biktima sa ba­rangay hall kaugnay sa sinapit ng kanilang mga anak hang­gang sa makarating sa kinauukulan. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARAHAN

ARDIN VELASCO

ARNELL OZAETA

BARANGAY LABAC

CAVITE

CAVITE VARSITARIAN FRATERNITY

ERICKSON

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with