^

Probinsiya

2 bata kinatay sa gulayan

-

CAMP CRAME – Brutal na kamatayan ang sinapit ng dala­wang bata makaraang pagtatagain ng isang magsasaka sa pag-aaring taniman ng gulay sa Barangay Sta. Clara sa bayan ng Gon­zaga, Cagayan kamakalawa. Animo’y kinatay na baboy ang naging katawan ng mga biktimang sina Marilyn Salimbay, 4; at Levy Luda, 10. Samantalang ginagamot naman ang nasa ma­lubhang kalagayang isa pang biktima na si Maribeth Pudtaan. Tugis naman ng pulisya, ang suspek na si Danilo Tolentino na kaagad na tumakas matapos isagawa ang krimen. Ayon sa ulat ng   pulisya na isinumite sa Camp Crame, lumilitaw na naaktuhan ng suspek  ang tatlong bata na nangunguha ng gulay sa kaniyang taniman. Dahil sa galit ay nagawang pagtatagain ng suspek ang mga biktimang walang lakas na lumaban. (Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BARANGAY STA

CLARA

DANILO TOLENTINO

JOY CANTOS

LEVY LUDA

MARIBETH PUDTAAN

MARILYN SALIMBAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with