^

Probinsiya

Ex-Marines nailigtas ng agimat

-

LEGAZPI CITY – Isang retiradong kawal ng Phil. Marines na pinaniniwa­laang may taglay na agi­mat na naisalin ng kan­yang lolong namayapa ang na­kaligtas sa tiyak na ka­matayan makaraaang hindi tumalab ang mga bala mula sa dalawang ‘di-kilalang kalalakihan sa naganap na himalang insidente sa Lanco Business Park Compound sa Barangay Bitano, Legazpi City kahapon ng umaga.

Naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga habang ang biktimang si Rolando Abion, 61,  ay nag-ja-jogging sa loob ng na­turang compound kung saan umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril mula sa dalawang suspek na sakay sa mo­torsiklo na may takip ang plate no.

Napag-alamang hindi naglagos sa katawan ni Abion, ang mga bala at sa halip ay nabutas lamang ang suot nitong t-shirt at namula ang balat sa tiyan at dibdib nito.

Gayunman, sinabi ni Abion na posibleng mga rebeldeng NPA ang buma­nat sa kanya.

Samantala, duda rin ang mga kamag-anak nito na posibleng naisalin ng ka­niyang namatay na lolo ang agimat na pangontra sa tama ng bala noong na­bubuhay pa ang matanda nang mabatid na ibig mag-sundalo ng kaniyang apo. (Ed Casulla)

vuukle comment

ABION

BARANGAY BITANO

ED CASULLA

GAYUNMAN

ISANG

LANCO BUSINESS PARK COMPOUND

LEGAZPI CITY

ROLANDO ABION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with