^

Probinsiya

Tsinoy trader pinabulagta

-

CAVITE – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyanteng Tsinoy makaraang pumalag sa holdap  sa bayan ng Dasmariñas, Ca­vite kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Willy Chua, 43, ng 5th Ave. Grace Park, Caloocan City. Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Romi Street sa Phase 1 na may hawak na bag na naglalaman ng malaking halaga nang harangin at holdapin ng suspek na si Joey Mulawin.

Sa imbestigasyon ni PO3 Larry Encabo, pumalag ang biktima kaya napiling pagbabarilin ng suspek na kaagad naman tumakas tangay ang malaking halaga.

Lingid sa suspek ay nasaksihan ng isang witness ang krimen kaya naipaabot sa pulisya ang insidente.

May teorya ang mga imbestigador na matagal na umanong pinag-aralan ng suspek ang galaw ng biktima kung kayat na tiyempuhan ito. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

AYON

CALOOCAN

GRACE PARK

JOEY MULAWIN

LARRY ENCABO

ROMI STREET

WILLY CHUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with