^

Probinsiya

Mayor Cuerpo pumalag sa DOJ

-

RIZAL – Nagbanta si Mayor Pedro Cuerpo ng Rodriguez, Rizal na ipa­sasara nito ang landfill na tinatapunan ng basura mula sa Metro Manila sakaling ituloy ni Justice Secretary Raul Gonzalez ang ipinala­bas na desis­yong hindi dapat magbayad ang mga garbage haulers na papasok sa ka­nilang bayan.

Ang pahayag ni Cuerpo ay base sa resolusyon ni Gonzalez noong Enero 29 na hindi puwedeng mani­ngil ang pamahalaang lokal at pina­rerepaso sa pama­halaang panlalawigan ng Rizal ang ordinansa hinggil sa pani­ningil ng tipping fee sa mga lungsod na nag­tatapon ng basura sa Ro­dri­guez landfill.

“Unfair sa amin iyan kasi kami na nga ang nagma­gandang loob na tanggapin ang tone-toneladang ba­sura tapos itinali pa ang kamay namin para hindi makapa­ningil ng mga iti­natapon nilang dumi,” dag­dag pa ni Cuerpo.

“Paano na ang mga ka­wani na nagme-maintain ng landfill, napakaraming na­ki­kinabang dito pati ang ka­nilang pamilya, paano na kapag nawalan sila ng tra­baho,” paliwanag ni Cuerpo.

Gayon pa man, umaasa pa rin ang alkalde na ma­ayos ang kanilang gusot at hi­nihintay pa nito ang ruling kaugnay sa inihaing apela noong Lunes.

Sakaling hindi pumabor ang desisyon ng apela, mapipilitan si Mayor Cuer­po na magpalabas ng re­so­lusyon para tuluyang ipasara ang landfill.

Inabisuhan din ni Cuer­po si MMDA Chairman Ba­yani Fernando na maging handa sa maaaring mang­yari at maghanap na ito ng ibang pagtatapunan ng basura dahil ipapasara niya ang dalawang landfill.

Nabatid na siyam na lungsod sa Metro Manila  ang nakikinabang sa na­sabing landfill na umaabot sa 6,000 metro toneladang basura ang itinatapon kada araw. (Edwin Balasa)

CHAIRMAN BA

EDWIN BALASA

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

MAYOR CUER

MAYOR PEDRO CUERPO

RIZAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with