^

Probinsiya

2nd Air Force Wing Reserve arangkada sa relief ops sa Bulacan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — ‘Inilunsad kamaka­lawa ng 2nd Air Force Wing Reserve (2nd AFWR) ang isang humanitarian relief mission sa Bulacan para tulu­ngan ang mga pamilyang naapektuhan ng baha na nagpalubog sa ilang bahagi ng probinsya.

Pinamunuan ni Lt. Col. Mikee Romero, tinulungan ng grupo na mailikas ang 7,500 indibidwal kasama ang halos 1,500 pamilya mula sa bayan ng Calumpit at 300 buhat sa Hagonoy sa Calumpit National High School at iba pang designated evacuation centers.

Lubhang naapektuhan ang mga barangay sa San Juan at San Isidro na nangailangan ng full-scale rescue at relocation efforts gamit ang dalawang Air Force 6x6 trucks. Sinabi ni Romero, chairman ng Association of Reservists and Reservist Administrators of the Philippines Inc. (ARRAPI) at dating Congressman, na nagpapatuloy ang kanilang misyon at nangakong itutuloy ang pag-monitor sa mga critical areas. “Laban lang hanggang matapos ang mission,” ani Romero na pinuri ang katapangan at dedikasyon ng mga reservists at volunteers na mabilis na rumesponde para tulungan ang libu-libong pamilyang naapektuhan ng matinding pagbaha sa Bulacan.

Ipinamahagi ng grupo sa mga evacuees ang tatlong kilong bigas, mga sardinas, instant noodles at kape. Idinagdag ni Romero na kinakailangan pa rin ang mga gamot at medical supplies at gumagawa sila ng paraan para makakuha nito at ididiretso sa mga evacuation centers.

Katuwang ng grupo ni Romero sa operasyon ang 2nd Air Force Reserve Center (ARCEN) na nakabase sa Clark Air Base sa ilalim ng pamamahala ni Col. Mark Yambing. Ang on-the-ground efforts sa Calumpit at Hagonoy ay isinagawa ng 2nd AFWR katuwang ang kanilang Bulacan Air Force Command Post (ACP) na pinamumunuan ni Reservist Major Rolando Rodolfo.

Nagpasalamat ang mga opisyales ng Calumpit, pinangungunahan ni Mayor Glorime “Lyn” Faustino, at Hagonoy sa pagtulong ng 2nd AFWR, ARCEN, ARRAPI at iba pang government agencies.

AIR FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with